JALAJALA


Ang Jala-Jala ay isang magandang bayan. Dito ninyo matatagpuan ang magagandang tanawin at matitkman ang masasarap na pagkain. Sa bayang ito,marami ang mga pinagmamalaking pagdiriwang/okasyon, kultura o tradisyon at mga produkto. Isa sa mga sikat na ipinagdiriwang dito ay ang D' Dalaylay Festival na ipinagdiriwang tuwing
piyesta ng kanilang patron na si San Miguel Arkanghel. Sa produkto naman, ang pinakasikat na pinagmamalaki dito ay ang
dairy na kung saan ay ginagawa sa Bayugo, Jalajala Rizal. Maraming produkto ang ginagawa nito, mayroong mga
cheese, gatas, at marami pa. Hindi lamang ang mga nabanggit ang tuluyang makakakuha ng iyong atensyon kundi ay marami pa ang mga ito. Ang isa pang pinupuntahan pati ng mga dayuhan ay ang mga Dragon Fruits na kung saan ay mayroong farm na matatagpuan sa Brgy. Sipsipin.


Dito mo matitikman ang matamis at masasarap mga dragon fruits na sigurado ay iyong babalikbalikan.Dahil rin sa mga ito, mabilis na umuunlad ang bayan ng Jalajala at may napagkakakitaan ang mga mamamayan dito. Sa iba pang mga barangay ay mayroon din ibang pinagkakakitaan na kanilang napapakinabangan isa na rito ang mga gatas na
Fresh Milk kung tawagin na sa barangay din ng Bayugo ginagawa. Mayroon din namang mga
homemade na bagoong, alamang, at mga jam na maaaring sa barangay ng Punta mo matatagpuan, Palay-palay, o kaya naman ay sa dulo ng bayan o barangay ng Bagumbong. Sa bayan ng Jalajala, ikaw ay mamamangha sa mga tanawin na iyong makikita, at mga pasalubong na iyong makukuha.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento